Alamin ang pagkakaiba ng pangungupahan sa boarding house at istandard na pangungupahan.
Ano ang boarding house?
Kung minsan, ang mga boarding house ay inaanunsyo bilang pinagsasaluhang akomodasyon o ‘mga pinauupahang kuwarto’.
Sa boarding house, bawat nangungupahan ay may kanya-kanyang kasunduan sa may-ari upang umupa ng isang kuwarto o tulugang lugar sa isang kuwarto na pinagsasaluhan nila ng iba pang mga nangungupahan. Pinagsasaluhan din nila ang mga pasilidad, halimbawa, ang kusina at banyo. Ito ay kakaiba sa istandard na pangungupahan kung saan ang isa o higit pang mga nangungupahan ay pipirma sa kasunduan upang umupa ng buong bahay.
Ang boarding house ay mayroon (o naglalayong magkaroon) ng mga 6 na nangungupahan sa anumang oras.
Ang pangungupahan sa isang boarding house ay tatagal (o naglalayong tumagal) nang mga 28 araw.
In this section
Sagutin ang ilang simpleng tanong upang malaman kung ikaw ay nagpapatakbo ng isang boarding house. Kung ikaw ay nagpapatakbo, dapat mong matugunan ang mga kahingian sa ilalim ng batas ng pangungupahan.
Alamin ang mga batayang kahingian para sa mga kasunduan ng pangungupahan sa boarding house, upa at bond.
Alamin ang iyong mga karapatan at responsibilidad sa panahon ng pangungupahan sa boarding house tungkol sa pagmementena at mga inspeksyon, kandado at seguridad at pagpasok sa kuwarto ng nangungupahan.
Alamin ang tagal ng ibibigay mong abiso, at ang kailangan mong gawin, sa katapusan ng iyong pangungupahan sa boarding house.
Ikaw ba ay may-ari ng boarding house o nangungupahan?