Ikaw ba ay may-ari ng boarding house o nangungupahan?

Narito ang ilang nangungunang mga mungkahi

  • Ang bahay ba ay may gumaganang mga alarma sa usok sa mga tamang lugar?
  • May seguridad ba ang bahay na may gumaganang mga kandado sa pintuan ng bawat silid?
  • Ang bahay ba ay walang mga butas o puwang sa mga dingding, bintana, pintuan at kisame?
  • May gumagana bang extractor fan sa banyo at kusina?
  • Ang bahay ba ay may insulasyon sa kisame at sa ilalim ng sahig?
  • Ang bahay ba ay mainit at tuyo?
  • May nakapirmi bang heater sa pangunahing lugar sa bahay kung saan kayo gumugugol ng maraming oras?
  • Ang bahay ba ay walang makikitang amag at mga amoy-amag?
  • Ang mga pinagsasaluhang pasilidad ba ay malinis at walang mga peste?
  • May pinirmahan bang nakasulat na kasunduan ng pangungupahan ang bawat nangungupahan at ang may-ari (kabilang ang lahat ng kailangang mga pahayag)?
  • Ang bawat isa ba ay may kopya ng mga pamamaraan sa pang-emerhensyang paglikas at mga tuntunin sa bahay? Nakadispley ba ang mga ito sa bahay?
  • Kung nagbayad ng bond ang nangungupahan, may ibinigay bang resibo?
  • Kung ang nangungupahan ay nagbayad ng mahigit sa 1 linggong bond - ito ba ay inilagak sa Tenancy Services?
Rating form

Did you find this information helpful?