Alamin ang mga batayang kahingian para sa mga kasunduan ng pangungupahan sa boarding house, upa at bond.

Mga kasunduan ng pangungupahan

Ang mga kasunduan ng pangungupahan ay mga kontrata ng may-ari at ng (mga) nangungupahan. Lahat ng mga kasunduan ng pangungupahan ay dapat nakasulat, pinirmahan at may ilang mahahalagang impormasyon. Mayroon ding karagdagang mga pahayag, halimbawa, pahayag ng pagsunod sa mga pamantayan ng malulusog na bahay at isang pahayag ng seguro, na dapat pirmahan ng mga may-ari at ilakip sa lahat ng mga bagong kasunduan ng pangungupahan.

Alamin ang higit pa sa impormasyong dapat isali sa isang kasunduan ng pangungupahan

Tungkol sa mga kailangang pahayag

Ang kasunduan ng pangungupahan sa boarding house ay katulad sa istandard na kasunduan ng pangungupahan, ngunit dapat ding isali:

  • kung ang pangungupahan ay nilalayong magtatagal nang 28 araw of higit pa
  • ang numero ng telepono ng may-ari
  • ang numero ng kuwarto na tinukoy sa kasunduan
  • kung ang kuwarto ay pagsasaluhan ng iba pang mga nangungupahan, at kung ganoon nga, ang pinakamaraming bilang ng mga nangungupahan na maaaring tumira sa kuwarto
  • kung ang pangungupahan ay magkasalong pangungupahan, at ang mga pangalan ng ibang tao sa kuwarto
  • ang mga serbisyong ibibigay ng may-ari (kung mayroon)
  • ang pangalan, contact address at telepono ng manedyer ng boarding house (kung naiiba sa may-ari)
  • isang paliwanag ng mga pamamaraan sa paglikas sa sunog.

Gamitin ang aming template ng kasunduan ng pangungupahan sa boarding house [PDF, 398 KB]

Pagdagdag ng mga kondisyon sa kasunduan ng pangungupahan

Maaaring magdagdag ang mga may-ari ng karagdagang mga kondisyon sa isang kasunduan ng pangungupahan sa boarding house kung kaugnay ang mga ito sa mga bagay na maaaring makapinsala sa bahay o maging sanhi ng matagalang paggamit.

Hindi maaaring magdagdag ang mga may-ari ng mga kondisyong labag sa batas.

Kabilang sa mga halimbawa ng mga kondisyong maaaring paglabag sa batas ang:

  • kailangan na ang mga karpet ay dapat linisin ng propesyonal na tagalinis sa katapusan ng pangungupahan
  • kailangan na ang nangungupahan ay mag-instala ng mga alarma sa usok na tumutugon sa mga kahingian ng batas.

Pagdagdag ng mga kondisyon sa kasunduan ng pangungupahan

Mga tuntunin sa bahay

Ang may-ari ng boarding house ay maaaring gumawa ng mga tuntunin sa bahay. Ang mga ito ay magtatakda ng anumang mga serbisyong ibibigay, maging kung paano gamitin at masiyahan sa mga pasilidad. Maaaring isali sa mga tuntunin sa bahay ang:

  • mga tuntunin tungkol sa paglilinis matapos mong gamitin ang mga pinagsasaluhang mga lugar
  • ang mga muwebles na ibibigay at ang pangangalaga sa mga ito
  • mga tuntunin sa paggalang sa pagtamasa ng iba sa katahimikan sa bahay, halimbawa, walang malakas na musika pagkaraan ng ilang oras.

Dapat bigyan ng may-ari ang (mga) nangungupahan ng mga pitong araw na nakasulat na abiso hinggil sa anumang mga pagbabago sa tuntunin bago ito pairalin.

Dapat bigyan ng may-ari ang nangungupahan ng kopya ng mga tuntunin sa simula ng pangungupahan. Dapat din niyang idispley ang mga kopya sa paligid ng boarding house.

Hindi maaaring labagin ng mga tuntunin sa bahay ang Residential Tenancies Act 1986 o anumang iba pang batas (halimbawa, ang Human Rights Act o ang Privacy Act). Kung naniniwala ang isang nangungupahan na lumalabag sa batas ang tuntunin sa bahay, maaaring mag-aplay sa Tenancy Tribunal ang nangungupahan.

Pag-aplay sa Tenancy Tribunal

Pagsingil ng bond

Ang landlord ay maaaring hilingin sa mga nangungupahan na magbayad ng bond kapag lumipat sila sa isang bahay.

Ang bond ay pera na maaaring sumagot para sa:

  • di-nabayarang upa
  • pinsala sa propyedad
  • anumang (mga) paghahabol kaugnay sa pangungupahan.

Ang mga nangungupahan na nag-alaga sa kuwarto, nagbayad ng upa nang lubos, at nagbayad ng anumang di-nabayarang halaga ay dapat maisauli sa kanila ang kanilang bond kapag natapos ang pangungupahan.

Ang mga may-ari ng boarding house na sisingil ng bond ay:

  • dapat maglagak sa Tenancy Services ng mga bond na mas malaki kaysa sa isang linggong upa sa loob ng 23 araw ng trabaho sa pagkatanggap nito
  • dapat magbigay ng resibo sa nangungupahan.

Ang pinakamalaking bond na maaaring singilin ng may-ari ay katumbas ng hanggang 4 na linggong upa.

Alamin ang higit pa sa paglalagak ng bond

Alamin ang higit pa sa pagsasauli ng bond

Pagsingil ng upa at mga pagtaas ng upa

Maaaring sumingil ang may-ari ng 1 o 2 linggong paunang upa sa panahon ng pangungupahan.

Labag sa batas para sa may-ari na singilin ang nangungupahan ng mahigit pa sa 2 linggong paunang upa. Hindi rin maaaring hilingin ng may-ari ang susunod na kabayarang upa hangga't hindi pa nagagamit ang lahat ng nabayarang upa.

Alamin ang higit pa sa pagsingil ng upa

Ang may-ari ng boarding house ay dapat magbigay ng mga 28 araw ng nakasulat na abiso bago taasan ang upa. Maaari lamang taasan ang upa nang minsan tuwing 12 buwan at hindi kukulangin sa 12 buwan mula sa pagsisimula ng pangungupahan.

Alamin ang higit pa tungkol sa mga pagtaas ng upa

Mga pamantayan ng mga boarding house at malulusog na bahay

Ang mga boarding house (maliban sa mga pinapatakbo ng Kāinga Ora o ng Community Housing Provider) ay dapat tumugon sa mga pamantayan ng malulusog na bahay. Ito ay naging kahingian simula pa noong ika-1 ng Hulyo 2021.

Ang mga pamantayan ng malulusog na bahay ay tiyak at nagbibigay ng pinakamababang mga pamantayan para sa pagpapainit, insulasyon, bentilasyon, halumigmig (moisture) at pagpapatuyo, at pagpigil sa pagpasok ng malamig na hangin sa mga pinauupahang propyedad.

Kung hindi matutugunan ng boarding house ang mga pamantayan ng malulusog na bahay kapag kinailangan ang mga ito, sila ay maaaring mamultahan ng $7,200.

Dapat ding isali ng mga may-ari ang pahayag ng pagsunod sa mga pamantayan ng malulusog na bahay sa anumang bago o pag-renew ng mga kasunduan ng pangungupahan sa boarding house. Ito ay naging kahingian simula pa noong ika-1 ng Disyembre 2020. Mayroon kaming template na maaari mong gamitin para dito.

Pahayag ng pagsunod sa mga pamantayan ng malulusog na bahay

Alamin ang higit pa sa mga pamantayan ng malulusog na bahay.

I-download ang ‘Nakatira sa isang boarding house? Alamin ang iyong mga karapatan’ (Live in a boarding house? Know your rights).

I-download ang ‘Nakatira sa isang boarding house? Alamin ang iyong mga karapatan’ [PDF, 569 KB]

Rating form

Did you find this information helpful?

Last updated: 25 August 2022