Alamin ang tagal ng ibibigay mong abiso, at ang kailangan mong gawin, sa katapusan ng iyong pangungupahan sa boarding house.

Pagbibigay ng abiso ng mga nangungupahan

Maaaring wakasan ng nangungupahan sa boarding house ang kanyang pangungupahan nang may 48 oras na abiso. Bagama't hindi kailangang nakasulat ang abisong ito, mabuting ideya para sa mga nangungupahan na isulat ito at magtabi ng kanilang kopya.

Mga may-ari na nagbibigay ng abiso

Karaniwan, ang may-ari ng boarding house ay kailangang magbigay sa nangungupahan ng 28 oras na nakasulat na abiso. May mga eksepsyon dito.

Maaaring wakasan kaagad ng may-ari ang pangungupahan kung ang nangungupahan ay:

  • nagsanhi, o nagbantang magsasanhi, ng malubhang pinsala sa boarding house
  • naglagay sa panganib, o nagbantang maglalagay sa panganib, ng mga tao o propyedad
  • nagsanhi, o nagbantang magsasanhi, ng malubhang panggugulo sa ibang mga nangungupahan.

Maaaring wakasan ng may-ari ang pangungupahan na may 48 oras na nakasulat na abiso kung:

  • hindi nagbayad ang nangungupahan ng atrasadong upa sa loob ng 10 araw ng pagkatanggap ng nakasulat na abiso na nagsasabing gawin ito
  • ginagamit ng nangungupahan ang boarding hosue para sa layuning labag sa batas
  • atrasado ang upa at iniisip ng may-ari batay sa makatwirang mga dahilan na iniwan na ng nangungupahan ang kuwarto (matapos mag-inspeksyon ng kuwarto at, kung maaari, kontakin ang pangkontak na tao ng nangungupahan (kung mayroon) na tinukoy sa kasunduan ng pangungupahan ng mga nangungupahan).

Kung iniwan ng nangungupahan ang boarding house

Ang abiso ay dapat:

  • nakasulat
  • isali ang petsa ng pagbibigay ng abiso
  • isali ang petsa na magwawakas ang pangungupahan
  • isali ang dahilan ng pagwawakas ng pangungupahan (maliban kung nagbigay ng 28 araw na abiso, kung gayon, hindi kailangan ang dahilan)
  • isali ang pangalan ng nangungupahan
  • isali ang pangalan, contact address at numero ng telepono ng may-ari o ng ahente niya.

Abisong pangganti

Labag sa batas para sa may-ari na mag-isyu ng abisong pangganti. Ang ‘abisong pangganti’ ay kung ang may-ari ay magbibigay ng abiso sa nangungupahan upang wakasan ang pangungupahan bilang paghihiganti sa nangungupahan dahil sa paninindigan niya sa kanyang mga karapatan. Halimbawa, kung nagreklamo ang nangungupahan tungkol sa pangungupahan.

Kung ang may-ari ay nag-isyu ng abisong pangganti, ang nangungupahan ay maaaring mag-aplay sa Tenancy Tribunal na tanggihan ang abiso. Kailangang mag-aplay ang nangungupahan sa loob ng 28 araw ng trabaho nang pagkatanggap ng abiso.

Ang dapat gawin ng nangungupahan sa katapusan ng kanyang pangungupahan

Sa katapusan ng pangungupahan, ang nangungupahan ay dapat:

  • umalis sa boarding house
  • alisin ang lahat ng kanyang pribadong ari-arian
  • lisanin ang kanyang kuwarto sa makatwirang kondisyon na malinis at maayos, at alisin ang lahat ng basura
  • isauli sa may-ari ang anumang mga susi, pass card at iba pang pangseguridad na kagamitan
  • iwan ang lahat (gaya ng mga muwebles) na ibinigay ng may-ari para magamit ng mga nangungupahan.

Pagsasauli ng bond

Sa pagtatapos ng pangungupahan, dapat magkasamang inspeksyunin ng nangungupahan at ng may-ari ang propyedad.

Ang mga nangungupahan na nag-alaga sa bahay, nagbayad ng upa nang lubos, at nagbayad ng anumang di-nabayarang halaga ay dapat maisauli sa kanila ang kanilang bond kapag natapos ang pangungupahan.

Kung nailagak ang bond sa Tenancy Services, punan ang bond refund form at ipadala ito sa Tenancy Services para maproseso.

Sa isang pangungupahan sa boarding house, kung ang bond ay isang linggong upa o mas maliit pa, hindi ito kailangang ilagak sa Tenancy Services at dapat isauli ng may-ari ang bond alinsunod sa kasunduan ng pangungupahan.

Pagsasauli ng bond

Kung iniwan ng nangungupahan ang boarding house

Kung may atrasadong upa ang nangungupahan, at naniniwala ang may-ari na iniwan na niya ang boarding house, ang may-ari ay:

  • maaaring magpaskil ng paunawa sa pintuan ng nangungupahan. Ang paunawang ito ay nagsasabi sa nangungupahan na papasok ang may-ari sa kuwarto sa loob ng 24 na oras upang makumpirma kung iniwan na ng nangungupahan ang pangungupahan
  • dapat gawin ang lahat ng makatwirang makakaya para makipag-ugnay sa pangkontak na tao (kung mayroon) na tinukoy sa kasunduan ng pangungupahan.

Hindi dapat pumasok sa kuwarto ang may-ari hanggang mga 24 apat na oras makaraang magpaskil ng paunawa sa pinto.

Kapag nainspeksyon na ng may-ari ang kuwarto at napag-isipan, sa makatwirang mga dahilan, na iniwan na ang pangungupahan, dapat niyang bigyan ang nangungupahan ng karagdagang 48 oras na abiso para wakasan ang pangungupahan. Dapat ilagay ang abisong ito sa pintuan ng kuwarto at isali ang oras at petsa kung kailan matatapos ang pangungupahan.

Mga iniwang lugar o ari-arian

Kung namatay ang nangungupahan

Sa ilalim ng pangungupahan, magtatapos ang pangungupahan sa boarding house 48 oras ng pagkamatay ng solong nangungupahan.

Rating form

Did you find this information helpful?

Last updated: 25 August 2022