Alamin ang iyong mga karapatan at responsibilidad sa panahon ng pangungupahan sa boarding house tungkol sa pagmementena at mga inspeksyon, kandado at seguridad at pagpasok sa kuwarto ng nangungupahan.

Pagmementena at mga inspeksyon

Pagmementena

Ang mga kahingian sa pagmementena para sa mga boarding house ay kapareho sa mga istandard na pangungupahan.

Dapat tiyakin ng mga may-ari na ang boarding house ay nasa makatwirang kondisyon. Nangangahulugan ito ng pagtiyak na ang mga ito ay ligtas at malusog na tirahan. Kailangan ding tiyakin ng mga may-ari na ang mga pasilidad, halimbawa, ang kusina at banyo, ay may makatwirang kalinisan. Kung ito ay hindi gagawin ng may-ari, kung gayon siya ay maaaring pagmultahin.

Ang mga nangungupahan sa isang boarding house ay responsable sa pagpapanatili na ang kanilang kuwarto ay makatwirang malinis at maayos.

Alamin ang higit pa tungkol sa pagmementena ng propyedad.

Kung may isang bagay na masisira sa boarding house, o kailangan ng pagkumpuni, dapat sabihin ito ng mga nangungupahan sa may-ari sa lalong madaling panahon.

Alamin ang higit pa tungkol sa mga pagkumpuni at pagkasira.

Mga inspeksyon

Kung ikaw ay isang may-ari, mabuting ideya na inspeksyunin nang regular ang iyong boarding house. Ang mga pag-inspeksyon ay tutulong na masuri na gumaganang mabuti ang lahat, na walang sira, at ang mga bagay ay pinananatiling makatwirang malinis at maayos ng mga nangungupahan.

  • Ang mga may-ari ay dapat magbigay ng mga 24 na oras na abiso para mag-inspeksyon ng kuwarto. 
  • Ang pinakamadalas na pag-inspeksyon ng kuwarto ay minsan tuwing apat na linggo.
  • Ang mga pag-inspeksyon ay dapat isagawa sa pagitan ng 8:00 ng umaga at 6:00 ng gabi para sa mga boarding house, maliban kung may napagkasunduang oras sa labas ng mga oras na ito ang nangungupahan at ang may-ari.
  • Maaaring muling mag-inspeksyon ng kuwarto ang may-ari kung sumang-ayon ang nangungupahan sa may-ari na aayusin o lilinisin niya ang isang bagay bago dumating ang takdang petsa. Dapat pa ring magbigay ng tamang panahon ng pag-abiso ang may-ari (24 na oras).
  • Maaaring pumasok sa boarding house ang may-ari sa anumang oras (hindi sa indibidwal na mga kuwarto). Gayunpaman, ang may-ari, o sinumang iba pang mga nangungupahan, ay hindi maaaring makialam sa tahimik na pagsasaya sa lugar ng nangungupahan.

Iba pang mga dahilan para pumasok sa kuwarto ng nangungupahan

Maliban sa mga inspeksyon, ang may-ari ng boarding house ay maaaring pumasok sa isang kuwarto sa boarding house makaraang magbigay ng mga 24 na oras na abiso para:

  • mag-inspeksyon ng kuwarto, kung naniniwala ang may-ari na nilisan na ng nangungupahan ang kuwarto o lumabag sa Residential Tenancies Act 1986 (ang Act) sa ibang paraan
  • ipakita ang kuwarto sa isang posibleng mangungupahan o bibili
  • tuparin ang kanyang mga obligasyon sa ilalim ng Act
  • mag-inspeksyon ng gawaing hiningi ng may-ari na gawin ng nangungupahan, o ang gawaing sinang-ayunang gawin ng nangungupahan
  • ipakita ang kuwarto sa isang rehistradong tagatasa ng halaga, ahente ng real estate, o inspektor ng gusali, posibleng mamimili o tagapagpahiram, o posibleng mangungupahan.

Maaaring pumasok ang may-ari ng boarding house sa isang kuwarto sa boarding house nang walang abiso:

  • kung ang nangungupahan ng kuwarto ay sumang-ayon noon din, o kagyat bago ang oras ng pagpasok
  • Kung ang may-ari ay naniniwala na may malubhang panganib sa buhay o ari-arian at ang pagpasok niya ay kailangan upang bawasan o alisin ang panganib
  • upang magbigay ng mga napagkasunduang serbisyo, hangga't ang pagpasok ay tumutugon sa mga kondisyon ng kasunduan o mga tuntunin sa bahay
  • alinsunod sa isang kautusan mula sa Tenancy Tribunal.

Mga kandado at seguridad

  • Ang bahay at lahat ng mga kuwarto ay dapat may makatwirang seguridad.
  • Dapat magbigay ang may-ari ng sapat na mga kandado para matiyak ito.
  • Dapat makapasok ang mga nangungupahan sa kanilang kuwarto, at sa mga pasilidad ng kubeta at banyo sa lahat ng oras.
  • Bago palitan ang anumang kandado, dapat sabihan ng may-ari ang bawat maaapektuhang nangungupahan.
  • Ang mga nangungupahan ay hindi dapat baguhin, dagdagan o tanggalin ang anumang kandado o katulad na mga kagamitang pangseguridad.

Mga alarma sa usok

Ang mga gumaganang alarma sa usok o detector ay sapilitan sa lahat ng mga pinauupahang bahay. Ang bagong mga alarma sa usok ay dapat na photoelectric at may mahabang buhay ang baterya, o hard-wired (nakakonekta sa kuryente).

Smoke alarm requirements for rental properties (transcript)

Transcript:
Smoke alarms save lives.

As a landlord, it is your responsibility to make sure there are working smoke alarms in the right places in your rental property.

Working smoke alarms are compulsory in all rental homes, boarding houses, rental caravans and self contained sleep outs.

There must be a smoke alarm in every room where someone sleeps, or within 3 meters of each bedroom door.

In multi storey or multi level homes, you must install a smoke alarm on each level or storey.

Smoke alarms installed after July 1st 2016 must be long life photoelectric alarms that meet the required international standard. You can purchase these from most hardware stores. [visual shows online purchase screen]

If you have a smoke alarm that was installed before this date, it must be replaced by one that meets the standard once it reaches its expiry date. [visual shows a hand removing old smoke alarm and replacing with new photoelectric alarm]

If you don't comply with the regulations, you can be fined [visual shows a penalty notice being removed from an envelope] and the consequences of not having working smoke alarms in your rental home could be far worse. [visual shows a phone screen with a phone call being made to Emergency 111, and a house on fire with flames in windows and smoke rising]

So do the right thing. Make sure your rental property is properly equipped with smoke alarms and check your smoke alarms regularly to make sure they are still operational. [visual shows a hand installing a smoke alarm, then testing the alarm by pressing button, then a thumbs up gesture]

If you have a hardwired smoke alarm system in your property, make sure it is maintained per the manufacturer's requirements. [visual displays a hard wired smoke alarm and a sheet of paper titled "photoelectric smoke alarm instructions"]

For more information on how to install and test smoke alarms properly, head to tenancy.govt.nz.

Dapat mag-instala ng mga alarma sa usok:

  • na may 3 metro ang layo sa bawat pintuan ng silid-tulugan, o sa bawat kuwarto na tinutulugan ng isang tao
  • sa bawat palapag ng bahay na may maraming mga palapag
  • sa lahat ng mga paupahang bahay, boarding house, paupahang caravan, at mga lugar na tinutulugan sa labas na may mga kailangang kagamitan.

Dapat tiyakin ng mga may-ari na gumagana ang mga alarma sa usok sa simula ng bawat pangungupahan at nananatiling gumagana sa panahon ng pangungupahan.

Hindi maaaring sirain, tanggalin o diskonektahin ng mga nangungupahan ang alarma sa usok. Dapat nilang palitan ang mga patay na baterya (kung ang mga ito ay lumang klase ng alarma na napapalitan ang mga baterya), at dapat nilang sabihin sa may-ari sa lalong madaling panahon kung may anumang problema sa mga alarma sa usok.

Alamin ang higit pa tungkol sa mga kahingian ng alarma sa usok

Ang dapat gawin kung may mga problema

Ang paglabag ay kapag may isang tao (isang nangungupahan o may-ari) na hindi susunod sa mga tuntunin ng Residential Tenancies Act.

Kapag nilabag ng nangungupahan o may-ari ang Residential Tenancies Act, mahalagang unawain ang iyong magagawa upang itama ito.

Kung ikaw ay may alitan sa may-ari o nangungupahan, sikaping kayo mismo ang lulutas nito. Mayroon kaming mga mungkahi sa paggawa nito.

Kung may kasunduan sa pagsasaayos ng problema, tiyaking nakasulat ito at pinirmahan ng (mga) nangungupahan at ng may-ari.

Kung minsan, hindi kayo magkakasundo kung paano aayusin ang problema. Sa ganitong kaso, maaaring pag-isipan mong maghain ng ‘abiso upang remedyuhan’ (notice to remedy). Ang abisong ito ay nagsasabi sa kabilang tao kung ano ang nagawa niya na paglabag sa kasunduan, ang kailangan niyang gawin upang ayusin ito at ang itatagal para maayos niya ito. Kung ito ay hindi naayos sa itinakdang panahon, maaari kang mag-aplay sa Tenancy Tribunal upang maayos ang bagay na ito. Maaaring magkaroon ng mediation (pamamagitan) o pagdinig sa korte.

Alamin ang higit pa sa mga paglabag at ang notice to remedy.

Alamin ang higit pa sa pag-aplay sa Tenancy Tribunal.

Rating form

Did you find this information helpful?

Last updated: 25 August 2022